nang sumAyAw ng bOom tarat tArat c tata UstE
nOong nagdaang linggO ay pYesta sa aming barriO…sa barriO bagtaS…tulad ng dati ng tradisyOn, may KaraKol na laging inaAbangan ng mga taO. sa aNong dahilan, marami yan. ang iBa ay gusto lang umosyoso, ang ibA dahil sa pagnanais na makalapit sa patrOn at mabasbasan, ang Iba gustO lAng magpasiKat at magpapansin hindi daHil sa kahihiyaw kundi dahil sa naghuhumiyaw na kaSuotan na tila kinApos ng tela…kaya pati ang iba napapasama na rin sa karaKol hindi daHil sa nakakaengganyOng tugtog o anupaman kundi para sundan ng tingin ang for "public vIewing of prOperty". PerO kung doOn nga naman komportable ang tao sa ngayOn bakit nga ba natin dapat KontraHin? Hindi nga ba at ang "tama" ngaYon ay may kanya-kanya ng pamantayaN? Nakakabahalang isipin na tila lumalala ang "relativism" na prinsipyO.
eWan ko nga ba.hindi sa nais kong magsermOn dahil hindi ako pari at laLong di ako manang pero minsan nakalulungKot isipin na ang mga ganitong tradisyon ay tila nawawalan ng saysay kapag nalilimutan na ang tunay na kahulugan ng ganitong pagdiriwang…
sa gitnA ng dumadagundOng na tugtog ng "bOom tarat tarat" at habang sabay na isinasayaw si Tata UsTe, tila wala akOng maramdaman na konEksyOn…kahit na iniba pa ang piyEsa at "itaktak mO" pa ang aking imahinasyOn ay tila walang malinaw na larawan akOng makita na ang isang santO ay umiindayOg sa ganitOng uri ng musiKa…lalO pa at ng saliwan ng awit na nais magpatawa sa kayabangAn ng pagkalalakE ang lyriCs ngunit naging kakatwa ang mga katagang naApuhap ng aking pandinig: "…kung katawan ko lang ang hanap mO…" isa sa mga awit ni Vhong na di ko alam ang titlE…patUloy sa pag-iingay ang awit habang si San Augustin ay patuloy na pinaiindayog…
natigilan aKo…
naisip Ko tuloy na bakit hindi ipamilyar ng Simbahan ang mga taO sa mga "animatiOn sOngs" na karaniwan ay pinatutugtog lamang sa mga piling okasyOn ng mga gawain sa simBhan. sayAng naman kung iilan lang ang nakaririnig at nakakaAlam na hindi lang tayo pa-upo upo na KatolikO sa misa. Sana sa susunod na karaKol ay "animation sOngs" ng simbahan ang magiging tunog ng ating pagpupunyagi sa ating mga patRon at hindi ang mga awit na nilikha lamang upang busugin ang pandinig ng masa.
pAano magiging pamilyar ang mga katOliko? Kung sa bawat pagtataPos ng misa ay sasayaw ng animatiOn songs ang mga taO. tiyaK hindi lamang sila mawiwili kundi mararamdaman din nila ang tunay na kasiglaHan sa bawat pagtatapOs ng misA.
siya nawa…
October 29th, 2008 at 11:07 am
Good for people to know.